Araling Panlipunan
Kaisipang Lumaganap sa
Gitnang Panahon
Ano-ano nga ba ang mga kaisipang lumaganap sa Gitnang panahon?
Piyudalismo
Tatlong Pangkat
Ngunit sa kabilang banda, ang sistemang kabalyero ang isang magandang alaala ng Piyudalismo. Dahil ito ay kinapapalooban ng kodigo. Ang ibig sabihin ng kodigo ay ang kagandahang asal ng mga kabalyero, tulad ng katapangan, pagiging marangal, kahinahunan at pagiging maginoo lalo na sa kanilang mga kaibigan. Napapalaganap din ng mga saloobing Kristiyano ang sistemang kabalyero gaya ng pagtatanggol sa mga naaapi at paggalang sa kababaihan. Ang pagiging kabalyero ay isang banal at propesyon na pinagpala ng simbahan, at kasama nito ang tungkuling ipagtanggol ang Kristiyanismo.
Manoryalismo
Ang pangalawa namang kaisipang lumaganap sa gitnang panahon ay ang sistemang Manoryalismo. Ito ay isang makaprinsipyong organisasyon o komunidad na isang pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may malalawak na lupain. Isa itong sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga taga-bukid ay nagbibigay ng serbisyo sa isang piyudal na hari, pinuno, o may-ari bilang kapalit ng proteksiyon. Ang tinatawag nilang Manor ay ang isang malaking lupang sinasaka. Ang malaking bahagi nito na umaabot ng 1/3 hanggang 1/2 na kabuuang lupang sakahan ay pag-aari ng lord at ilan lamang sa mga magsasaka ang nagmamay-ari ng lupa.
Kaugnay nito, nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura ang pagtuklas ng mga bagong teknolohiya at ang mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito, ang pagtaas ng ani at nagkaroon ng magandang pamumuhay ang mga mamamayan. Napadali din ang transportasyon at ang pagdala at pagbili ng mga produktong agrikulturaldahil sa pagsasaayos ng mga kalsada, at marami ang nanirahan sa mga lugar na malapit sa kalsada.
Dahil sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar ang sumali, napagisipan ng panginoong piyudal na magtatag ng taunang perya. Magtatagpo-tagpo dito sa peryang ito ang mga mangangalakal. Kikita ang panginoong piyudal dahil sa peryang ito, siya ang naniningil ng mga buwis at multa dito. Nakita din sa peryang ito ang paggamit ng salapi, ngunit iba-iba ang kanilang salaping barya. Dahil dito, nagsulputan ang mga mamamalit ng salapi o tinatawag na money changer. Nasabing sa pagpapalit ng mga salaping ito nagsimula ang pagbabangko.
Ang ibang mangangalakal ay natuklasan na hindi delikado ang pagiiwan ng malaking halagang pera sa mga namamalit ng salapi. Ito ay ipinapautang din ng may tubo. Maaaring magdeposito ang isang mangangalakal ng salapi sa isang lungsod at bibigyan ito ng resibo. Itong kanyang nadeposito ay maaari niyang kolektahin sa ibang lungsod. Sa ganitong paraan, mas naging ligtas ang paglipat o pagpalit ng mga salapi. Ang sistemang pagpapautang at pagbabangko ay nalinang sa Italya, at ito ay nakatulong sa paglalapit ng mga tao buhat sa iba't ibang lugar.
Sa pag-unlad ng kalakalan, industriya at paglawak ng bayan, isang makapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay tinawag na burgis ( men of burg o burgers o bourgeoisie ). Ang naging interes ng grupong ito ay ang kalakalan, at ang mataas na uri nito ay ang umunlad na negosyante at mga bangkero.
Thank you Hilary for this information,...
ReplyDeleteGood Job,....