Araling Panlipunan
Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panahon Ano-ano nga ba ang mga kaisipang lumaganap sa Gitnang panahon? Piyudalismo Ang unang kaisipang lumaganap sa gitnang panahon ay ang sistemang Piyudalismo. Ito ay sistemang politikal at militar sa kanlurang Europa noong gitnang panahon na kung saan nagkaroon ng kasunduan ang isang maharlika o panginoong may lupa na magbahagi ng kanilang lupain sa kapwa niya maharlika. Mayroong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalismo na kung saan ito ay nahahati sa tatlo, gaya ng pari, kabalyero at serf. Tatlong Pangkat - Mga Pari . Ang mga ito ay maaaring manggaling sa hanay na maharlika, manggagawa at alipin. Hindi sila itinuturing na natatanging sektor ng lipunan dahil hindi sila maaaring mag-asawa at hindi namamana ang kanilang posisyon. - Mga Kabalyero. Ang mga kabalyero ay ang mga kalalakihan na may matatapang at m...